Miyerkules, Setyembre 10, 2014

Ang Pagmamahal at Paggalang sa mga Magulang



 Efeso 6: 1- 3              

          "Mga anak, sundin ninyo ang inyong magulang            alang-alang sa Panginoon sapagkat ito ang nararapat. Igalang mo ang iyong ama at ina, ito ang unang utos na may kalakip na pangako; ganito ang pangako - ikaw ay giginhawa at lalawig ang iyong buhay dito sa lupa."


          Ang Efeso 6: 1 - 3 ang isa sa pinakapaborito kong talata sa Biblia sapagkat nakapaloob dito ang ukol sa paggalang sa mga magulang at dito rin nakapaloob ang sasapitin ng isang anak na magiging masunurin at mapagmahal sa kani-kaniyang magulang.
          
          Sa kasamaang palad, napakaraming kabataan ngayon ang napapariwa ang buhay at ang napapahamak. Ito ay dahil sa ibat ibang dahilan tulad ng pagkalulong sa masamang bisyo, pagsama sa masasamang barkada, pagpapawalang halaga sa pag-aaral at iba pang mga kauri nito. Sa kabila ng pagpapayo ng kanilang mga magulang ay nagiging sakit sa ulo pa sila ng mga ito. Bakit nga ba nangyayari ang pagkapariwara ng buhay ng isang kabataan? Walang ibang sagot sa tanong na yan kundi ang pagiging masuwayin ng mga anak sa mga payo at saway ng kanilang mga magulang. At ayon sa aking pagkakaalam at nagawang pananaliksik ay wala pang kabataan na nagtagumpay sa buhay na ito dahil sa pagsuway sa kanilang ama at ina. Samakatuwid, totoo ang sinasabi sa Efeso 6:1 - 3 na ang ikapagtatagumpay ng isang kabataan sa buhay na ito ay ang paggalang at pagsunod sa kanilang mga magulang. Kaya nararapat lamang na sundin ang pagpapayo at pagpapaalala ng ating mga magulang. Ibigay natin sa kanila ang ating paggalang at pagmamahal sa bawat panahon ng kanilang buhay. Kung gayon, nakakasigurado ang isang kabataan na magtatagumpay siya sa kanilang buhay kung susundin niya ang sinasabi ng sa Efeso 6: 1 -3.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento